MANILA, Philippines — Ayon sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 2020-33 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Agosto 7 ay mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa mga public utility vehicle (PUV) driver at mga konduktor maliban pa sa face mask na magsisimula sa darating na Agosto 15.
Una nang naglabas ng kautusan ang Department of Transportation’s (DOTr) sa mga pasahero na magsuot ng face shield bilang proteksyon kontra coronavirus disease o COVID-19.
Nabatid na ang hindi susunod sa nasabing kautusan ay hindi pasasakayin sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Sa kasalukuyan ay hindi pa rin pinapayagan ang lahat ng uri ng PUV dahil sa umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila at kalapit-probinsya hanggang Aug. 18 dahil pa rin sa nasabing sakit.