MANILA, Philippines — Bilang sumirit ang presyo sa merkado ng face shield matapos ang pagpapalabas ng Department of Transportation (DOTr) ng panibagong ‘mandatory requirement’ sa pagsusuot ng mga pasahero ng face shield sa pampublikong sasakyan.
Kaya’t nanawagan si Senator Imee Marcos sa Department of Trade and Industry (DTI ) na bantayan ang presyo ng face shield dati ay naglalaro sa P30.00 hanggang P40.00 ang presyo ng face shield at napabalitang sumirit na ito sa halagang P60.00 hanggang P65.00 bawat piraso.
Kaya’t inupakan ni Marcos si DOTr Secretary Arthur Tugade sa pagpapalabas ng panibagong “mandatory requirement” sa pagsusuot ng face shield sa mga pasahero ng pampublikong sasakyan matapos bumaha sa merkado ang produkto na walang bumibili.
Sinabi ni Marcos na dagdag-pasanin at gastos para sa naghihikahos na Pinoy ang panibagong ‘mandatory requirement’ na face shield sa mga pasahero sa jeep, bus, tren at eroplano na ipatutupad simula sa August 15 sa gitna nang patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic.
Anya, sa harap ng pagtutol ng nakararaming naghihikahos na Pinoy sa krisis na dinaranas dahil sa kawalan ng trabaho, kakapusan ng pagkain at nakatakda pang gastusin sa pagbubukas ng online classes sa August 24.
Pinaalalahanan ni Marcos si Tugade na huwag basta-basta na lang biglain na naman sa gastusin ang taumbayan dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa o empleyado at iba pang mananakay.