Mabilis na internet kailangan sa pagbangon ng ekonomiya

Sa inihain nitong Satellite-Based Technologies Promotion Act of 2020 (HB 7081) ay higit na matibay na “digital economy” lalo na yung sektor ng mga “work from home” bukod sa pasusulungin din nito ang “distant learning program” ng paaralan ngayong may pandemya.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang bagong panukalang batas ang inihain ni House Ways and Means chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda para palawakin ang satellite technology at pabilisin pa ang internet lalo na sa mga lalawigan.

Sa inihain nitong Satellite-Based Technologies Promotion Act of 2020 (HB 7081) ay higit na matibay na “digital economy” lalo na yung sektor ng mga “work from home” bukod sa pasusulungin din nito ang “distant learning program” ng paaralan ngayong may pandemya.

Aamyendahan at luluwagan ng panukalang batas ang mga paghihigpit sa paggamit ng teknolohiyang satellite na bukas lamang sa mga kumpanyang pang-telekomunikasyon gaya ng isinasaad ng Executive Order No. 467 (1998).

“Maaaring maunang magkaroon ng bakuna sa Covid bago pa mailatag ang “satellite-based systems” ngunit nagsilbing daan ang krisis sa Covid para ma­lawakang maunawaan ang kahalagahan ng “internet connectivity” upang magkaroon tayo ng tunay na kakaya­hang makipagsabayan sa mundo ng ‘digital world economy,’” wika nito.

Sa ilalim ng HB 7081, gagawing maliwanag ang mandato ng Department of Information and Communication Technology (DICT) bilang pangunahing ahensiya na siyang manga­ngasiwa sa wastong paggamit ng “satellite-based technologies” sa labas ng “commercial telecommunications,” kung saan ito’y kasalukuyang nakatuon.

Layunin din ng panukala na himukin ang mga ahensiya ng pamahalaan, mga “non-profit institutions,” pampamahalaan man o pribado na sangkot sa edukasyon, kalikasan, “climate change management,” kahandaan sa mga kapahamakan, na gumamit ng “satellite-based systems and technology” sa kanilang mga programa.

Show comments