MANILA, Philippines — Pumalo na sa 127 ang kabuuang bilang sa Metro Rail Transit-3 depot personnel ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
“From 92 nung Tuesday, ngayon pong umaga (Huwebes) 127 cases po dito sa depot,” ani Transportation Undersecretary for Rails Timothy John Bathan.
Sa datos, 124 ang nagmula sa MRT-3 maintenance provider Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries-TES Philippines.
Sinabi naman ni MRT-3 director Michael Capati, naka-home quarantine na ang 43 na infected habang nananatili naman ang 74 iba pa sa government-owned facilities at nasa quarantine centers ng local government units ang iba pa.
Giit ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, walang COVID-19 case ang naitala sa station personnel dealing na may contact sa MRT-3 passengers.
“Itong mga personnel na nag-test positive ay mga depot personnel hindi ito yung mga station personnel na nakakasalamuha ng mga pasahero,” paglilinaw pa ni Libiran.