^

Police Metro

127 MRT-3 depot personnel, tinamaan ng COVID

Mer Layson - Pang-masa
127 MRT-3 depot personnel, tinamaan ng COVID
Sinabi naman ni MRT-3 director Michael Capati, naka-home quarantine na ang 43 na infected habang nananatili naman ang 74 iba pa sa government-owned facilities at nasa quarantine centers ng local government units ang iba pa.
STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 127 ang kabuuang bilang sa Metro Rail Transit-3 depot personnel ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

“From 92 nung Tuesday, ngayon pong umaga (Huwebes) 127 cases po dito sa depot,” ani Transportation Undersecretary for Rails Timothy John Bathan.

Sa datos, 124 ang nagmula sa MRT-3 maintenance provider Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries-TES Philippines.

Sinabi naman ni MRT-3 director Michael Capati, naka-home quarantine na ang 43 na infected habang nananatili naman ang 74 iba pa sa government-owned facilities at nasa quarantine centers ng local government units ang iba pa.

Giit ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, walang COVID-19 case ang naitala sa station personnel dealing na may contact sa MRT-3 passengers.

“Itong mga personnel na nag-test positive ay mga depot personnel hindi ito yung mga station personnel na nakakasa­lamuha ng mga pasahero,” paglilinaw pa ni Libiran.

COVID-19

MRT-3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with