671 na ang COVID-19 case sa hanay ng pulisya
MANILA, Philippines — Ipinahayag sa press briefing ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na pumalo na sa 671 ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya.
Pero, ayon kay Gamboa, umabot naman sa 342 na tauhan ang nakarekober mula sa sakit, kung saan 211 sa mga ito ang malusog na at nakabalik sa fit-to-work status habang 131 na iba pa ang bumubuno ng kinakailangang quarantine period. Siyam pa rin ang mga nasawi sa sakit.
Sinabi ni Gamboa na National Capital Region Police Office (NCRPO) ang may pinakamataas na kumpirmadong kaso sa bilang na 285 habang may 169 na kaso ang Police Regional Office VII.
“This is the reason why we had to deploy augmentation forces to Cebu. The PRO VII may have to adapt rotational deployment of its frontline personnel in lockdown areas, because its effective strength will be depleted when some personnel will need to undergo quarantine,” saad ni Gamboa.
- Latest