Traditional jeeps, balik-pasada na sa Huwebes o Biyernes

“Ang commitment po sa amin ng LTFRB ay by Thursday or Friday this week ay papayagan na pong makabiyahe ang mga roadworthy na traditional jeepneys natin,” ani Assistant Secretary Goddes Libiran.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa darating na Huwebes o Biyernes ay papayagan nang maka­biyahe ang mga road­worthy traditional jeep­ney.

Ito ang sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Libiran batay sa commitment ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa DOTr.

“Ang commitment po sa amin ng LTFRB ay by Thursday or Friday this week ay papayagan na pong makabiyahe ang mga roadworthy na traditional jeepneys natin,” ani Libiran.

Paliwanag pa nito, late ang schedule ng mga jeep dahil sa binabantayan pa ang “hierarchy” sa transportasyon at prayoridad ang may mas malaking kapasidad sa gradual resumption ng mass public transportation.

Show comments