^

Police Metro

980 UV Express papasada na ngayon - LTFRB

Mer Layson - Pang-masa
980 UV Express papasada na ngayon - LTFRB
Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na inaprubahan nito ang panuntunan sa pag-rationalize sa pagpapadala ng 980 UV Express units sa 47 na ruta bilang bahagi ng gradual, calibrated at calculated approach ng Department of Transportation (DOTr) sa pagbabalik ng pampublikong transportas­yon sa Metro Manila sa gitna ng general community quarantine (GCQ).
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) nitong Sabado na inisyal nitong pinayagan ang halos isang libong UV Express units na bumiyahe mula at papuntang National Capital Region at kalapit-lalawigan sa 47 na ruta simula ngayong araw na ito.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na inaprubahan nito ang panuntunan sa pag-rationalize sa pagpapadala ng 980 UV Express units sa 47 na ruta bilang bahagi ng gradual, calibrated at calculated approach ng Department of Transportation (DOTr) sa pagbabalik ng pampublikong transportas­yon sa Metro Manila sa gitna ng general community quarantine (GCQ).

Subalit, sinabi ni Delgra na ang LTFRB ay “not discounting the possibility of deploying additional modern and traditional jeepneys later” upang i-augment ang operasyon ng 980 UV Express depende sa demand sa pasahero.

Umapela ang LTFRB chief sa mga operator at driver ng UV Express na mahigpit na sumunod sa panuntunang nakatakda sa LTFRB Memorandum Circular 2020-025, kung saan nakasaad ditong dapat ay terminal-to-terminal ang mga UV Express, walang pick up at drop off ng mga pasahero at hindi pagdaan sa EDSA at Commonwealth Avenue, liban na lamang kung tatawid.

Binigyang-diin din ni Delgra ang umiiral na UV Express fare rate na P2 kada kilometro, at walang fare adjustment na isasagawa hangga’t hindi inaaprubahan ng LTFRB.

LTFRB

UV EXPRESS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with