NPA ambush: Pulis todas, 3 sugatan

Sa ulat ni Capt. Dexter Panganiban, tagapagsalita ng Albay Provincial Office, alas-5 ng mada­ling araw habang pauwi na ang mga biktima mula sa ginawang internal security operation sa bulubunduking lugar nang tambangan ng aabot sila ng nasa 15 mga rebelde.
Photo courtesy of PNP

MANILA, Philippines — Isang pulis ang nasawi habang tatlo ang nasugatan nang sila ay pagbabarilin ng mga te­roristang New People’s Army (NPA) sa naganap na ambush sa bulubunduking lugar ng Brgy.San Isidro sa bayan ng Jovellar, Albay kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay kinilalang si Patrolman Emerson Belmonte habang patuloy na ginagamot sa ospital sina Cpl.Marlon Beltran, Patrolman Roy Ressureccion at Patrolman John Mark Paz pawang miyembro ng 1st Albay Provincial Mobile Force Company (APMFC).

Sa ulat ni Capt. Dexter Panganiban, tagapagsalita ng Albay Provincial Office, alas-5 ng mada­ling araw habang pauwi na ang mga biktima mula sa ginawang internal security operation sa bulubunduking lugar nang tambangan ng aabot sila ng nasa 15 mga rebelde.

Kahit agad nasugatan ang ilang mga kasamahan ay lumaban pa rin ang mga pulis at nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok hanggang tumakas ang mga rebelde.

Isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang pulis, subalit hindi na umabot ng buhay si Pat.Belmonte.

Show comments