^

Police Metro

8 nakatanggap ng SAP timbog sa pagsusugal

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
8 nakatanggap ng SAP timbog sa pagsusugal
Ang mga inaresto ay kinilalang sina Mark Lester Anthony Clemente, 26; Joseph Gaspar, 34; Liza Ombrobeno, 60; at Lolita Garcia, 68 na nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP); Edmon Biendima, 47, na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); William Lomboy, 30, binata; Jonathan Arataquio, 18; at Renalyn Pascua, 31, pawang mga residente ng nasabing barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Walong katao na umano ay nakatanggap ng ayuda sa gobyerno ang inaresto ng pulisya nang maaktuhang nagsusugal sa isang sinasabing gambling den kahapon ng madaling araw sa Barangay Abar 2nd, San Jose City, Nueva Ecija.

Ang mga inaresto ay kinilalang sina Mark Lester Anthony Clemente, 26; Joseph Gaspar, 34; Liza Ombrobeno, 60; at Lolita Garcia, 68 na nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP); Edmon Biendima, 47, na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); William Lomboy, 30, binata; Jonathan Arataquio, 18; at Renalyn Pascua, 31, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, ala-1:00 ng madaling araw nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya na may nagaganap na sugalan sa nasabing lugar at nang puntahan ay naaktuhan ang mga itong ­abalang naglalaro ng pusoy.

SAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with