^

Police Metro

129 preso sa Caloocan isinailalim sa COVID test

Doris Franche - Pang-masa

Matapos magpositibo ang 2 sa ‘Piston 6’

MANILA, Philippines — Nasa 129 detainees ng Caloocan Custodial Facility ang isinailalim sa swab testing matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa anim na jeepney drivers na tinaguriang “Piston 6” na ikinulong makaraang arestuhin kamakailan dahil sa pagsasagawa ng protesta at pamama­limos.

Ayon kay Caloocan City Police chief Col. Dario Menor, apat na pulis na naka­talaga sa custodial center ang isasailalim din sa tests.

Bilang parte ng health at safety protocols, ipinag-utos niya na pansamantalang ipagbawal muna ang pagbisita sa detention facility dahil sa inaasahang gaga­wing pagdisinfect sa lugar ng mga tauhan ng City Health.

Nilinaw naman ni Menor na ang anim na Piston drivers ay nakahiwalay sa kara­­mihan na mga nakakulong dahil mata­tanda na sila simula nung unang araw na pagkakulong nila hanggang sa kani­lang paglaya matapos makapagpiyansa. Aniya, nasa maayos namang kondisyon ang lahat ng mga detainees at walang nagpa­pakita ng kahit anumang sintomas su­balit, kailangan pa rin aniya nilang isa­ilalim sa swab test para sa health protocol.

PISTON 6

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with