P9 milyong ecstasy nasabat sa bodega sa Pasay

Sa ulat ng BOC, nasa 5,205 tabletas ng ecstacy ang kanilang nasamsam sa isang warehouse na nakasilid sa isang paper shredder na nagmula pa sa United Kingdom at naka-consign sa isang suspek na hindi pinangalanan na taga-Pasig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa P9 mil­yong halaga ng iligal na party drug na ecstasy na itinago sa “paper shredders” sa ginawang pagsalakay sa isang bodega sa Pasay City kahapon.

Sa ulat ng BOC, nasa 5,205 tabletas ng ecstacy ang kanilang nasamsam sa isang warehouse na nakasilid sa isang paper shredder na nagmula pa sa United Kingdom at naka-consign sa isang suspek na hindi pinangalanan na taga-Pasig City.

Nagsasagawa ng document check ang kanilang mga tauhan at physical examination sa kargamento sa naturang warehouse sa Pasay City nang mapansin ang hindi magkakatugmang impormasyon dahilan para madiskubre ang droga.

Sa pagtataya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa P9 milyon ang halaga ng mga nasabat na tabletas.

Ipinasa na ito ng BOC sa PDEA para sa kaukulang pagsusuri at imbestigasyon.
Nakatakdang habulin ngayon ng PDEA ang consignee ng kargamento na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 1401 (Unlawful Importation) sa ilalim ng Customs Modernization and Tarrifs Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments