MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya, kaibigan, kasamahan at mahal sa buhay ni dating Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr, na pumanaw kahapon.
Sa ulat, kinumpirma ni Cecile Joaquin-Yasay ang pagpanaw ng kaniyang asawa na binawian ng buhay kahapon ng alas-7:26 ng umaga, dahil sa karamdaman sa edad na 73.
Si Secretary Yasay ay nagsilbi bilang Kalihim ng Foreign Affairs ng Duterte Administration mula Hunyo 30, 2016 hanggang Marso 8, 2017 bagaman ay hindi naman naaprubahan ang kaniyang appointment nang dumaan ito sa Commission on Appointments (CA) dahil sa kaniyang citizenship. Namuno rin siya sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 1995 hanggang 2000.