Magkaisa na labanan ang COVID-19!
Mensahe ni Duterte sa Araw ng Kalayaan
MANILA, Philippines — Nakiisa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na nagdiwang kahapon ng ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Sa naging mensahe ng Pangulo ay sinabi nito na sa nakalipas na 122 taon ng mga ninuno ay ipinagmamalaking iprinoklama ng mga ito ang kapanganakan ng sambayanan.
Ngayon ani Pangulong Duterte ay dinadakila ng lahat ang katapangan, kabayanihan at sakripisyo ng mga ninunong Filipino. Pinasalamatan din nito ang kanilang regalong demokrasya at kalayaan para sa lahat.
At habang patuloy na nagkakaisa ang lahat sa paglaban sa Covid-19, ay mayroon aniyang oportunidad ang lahat na ipahayag at ipakita na may taglay din itong kahalintulad magilas na diwa at maharlikang pagkatao na taglay ng mga bayani ng nakalipas.
“Let us now move forward with courage, hope, and optimism as we overcome this pandemic,” ayon sa Pangulo.
“Mabuhay tayong lahat. Mabuhay ang Republika ng Pilipinas,” dagdag na pahayag nito.
- Latest