Libreng sakay handog ng Quezon City government

Laking pasalamat ng mga manggagawa sa libreng sakay ng Quezon City government bilang tulong sa mga commuters sa ikalawang araw ng pagpapatu-pad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila kahapon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa kahirapan ng transportasyon ngayong umiiral ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, nagbibigay na ng libreng sakay ang pamahalaang lokal ng Quezon City (QC) para sa mga commuters at mga nagbabalik-trabaho.

Ayon sa QC government, may mga bagong rutang ipinagkakaloob ang QC government sa ila­lim ng kanilang “Libreng Sakay Program” ngayong panahon ng GCQ. Ang programa ay laan para sa publiko at sa mga taga-QC na papunta sa kanilang trabaho at pabalik ng destinasyon.

“As we transition to GCQ, we have to assist the people to adjust to the new normal and that includes going back to work,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

May 14 na bus ang inilaan na ruruta sa dalawang lugar na maraming stranded na pasahero sa QC. Sa Route 1 ay sa SM Fairview-Quezon Ave. MRT (via Commonwealth Ave); starting point: SM Fairview at pick up points-Atherton/ FCM-Doña Carmen/Don Fabian (Wilcon) Litex-Commonweath Market/Riverside, Batasan, Don Antonio, Luzon/Tandang Sora (Puregold) habang ang drop off point ay sa Q. Ave. MRT. Sa Route 2: Nova Bayan-North Ave MRT (via Quirino Highway-Mindanao Ave), starting point sa Nova Bayan at drop off point: North Ave MRT.

Show comments