MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs ang P50 milyong halaga ng medical supplies at kagamitan sa mga warehouse sa San Juan at Malabon, kamakalawa.
Pag-aari ng isang kompanyang idinawit sa Senate inquiry na nagbebenta ng overpriced automatic extraction machines ang mga warehouse.
Kasama ng Philippine Coast Guard at National Bureau of Investigation, isinagawa ng BOC ang pagsalakay sa mga warehouse, kung saan nakumpiska ang mga kagamitan kagaya ng high-pressure stream sterilizer, blood bags, mga libro at real-time quantitative thermal cycler.
Kamakailan, sinalakay din ng BOC ang warehouse na nagbebenta ng overpriced medical supplies sa Binondo at Malate, Maynila.
Nasa P5 milyong halaga ng PPE, medical supplies at mga gamot ang nakuha sa naturang raid.