Religious gatherings papayagan sa MGCQ areas

“The IATF has agreed to allow religious gathe­rings up to a maximum of 50% of the capacity of the church or [any] venue in MGCQ areas starting June 1,” ani Justice Secretary Menardo Gueverra.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw ay papayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng modified ge­neral community quarantine (MGCQ) ang religious gatherings ngunit hanggang 50 porsyento lamang ng venue capacity nito.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos ang ginawang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa paglipat ng karamihan sa mga lugar sa bansa sa modified GCQ.

“The IATF has agreed to allow religious gathe­rings up to a maximum of 50% of the capacity of the church or [any] venue in MGCQ areas starting June 1,” ani Gueverra.

Subalit, kailangan pa rin sumunod ng mga magpupunta sa mga simbahan sa health standards upang maiwasan ang pagkakaroon ng novel coronavirus, ayon kay Guevarra.

“[This is] subject to observance of minimum health requirements such as social distancing, use of face masks, sanitizing of hands, no physical contact, among others,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng MGCQ, mas maluwag na ang mga panuntunan sa paggalaw ng tao at transportasyon, regulasyon sa operasyon ng mga negosyo at industriya at presensya ng militar at pulisya.

Hindi naman kagaya ng mga lugar na nasa ila­lim ng GCQ ay hindi hinihikayat ang pagkakaroon ng religious gatherings bagama’t dapat limitahan ito sa 10 katao.

Pinagbabawal din ang mass gatherings kagaya ng movie screenings, concerts, sporting events at iba pang entertainment activities, community assemblies at hindi mahahalagang work gathe­rings.

Papayagan naman ang mga pagtitipon para sa probisyon ng critical go­vernment services at otorisadong humanitarian activities habang sinusunod ang minimum health standards.

Show comments