^

Police Metro

2 phases paiiralin sa mga papasadang sasakyan sa GCQ areas

Angie dela Cruz - Pang-masa
2 phases paiiralin sa mga papasadang sasakyan sa GCQ areas

MANILA, Philippines — Isasailalim sa dalawang phase ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng pampasaherong sasakyan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na sisimulan sa Hunyo 1.

Ayon sa DOTr, sa  Phase 1 mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 21, papayagan ng DOTr na magkaroon ng bus augmentation, taxis, transport network vehicle services (TNVS), shuttle services, point-to-point bu-ses, at bicycles na may li-mitadong pasahero lamang.

Ang mga tricycles ay papayagan ding  pumasada sa ilalim ng Phase 1 pero dapat may approval ng nakakasakop na local go-vernment unit (LGU) dito.

Ayon sa DOTr, habang pinaiiral ang Phase 1, walang provincial bu-ses ang papayagan na pumasok ng Metro Manila.

Sa ilalim ng Phase 2 mula  Hunyo 22-30, ang mga public utility buses (PUBs), modern public utility vehicles (PUVs) at UV Express ay papayagan nang pumasada pero limitado rin ang pasahero na kapareho ng uri ng transport modes sa ilalim ng Phase 1.

Para matiyak na may limitadong pasahero ang lahat ng pampasaherong sasakyan, may  1-meter social distance rule ang ipaiiral sa bawat pasahero sa loob ng passenger vehicles na akma sa  health protocols

Nilinaw rin ng DOTr na laan ang mas mara-ming lanes sa EDSA para sa mga pampasaherong sasakyan. Mayroon ding ilalagay sa EDSA na lanes para sa mga bisikleta at lalagyan doon ng pedes­trian crossing at bus boarding areas sa mga strategic areas.

Sa ilalim ng  “new normal” arrangement, ipaiiral ang paggamit ng teknolohiya para magkaroon ng road-based transport at maiwasan ang physical contact o face-to-face in­teraction upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Kasama sa pagbabago ang pagsasagawa ng automatic fare collection system (AFCS) para sa cashless payment transactions, electronic toll collection, at GNSS/GPS.

Related video:

DOTR

GCQ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with