MANILA, Philippines — Parang nanalo sa sweepstakes ang dala-wang kadete na kapwa valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) matapos ianunsyo ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte na makatatanggap sila ng house and lot na nagka-kahalaga ng P2 milyon.
Sa magkasabay at kauna-unahang graduation rites ng PMA at PNPA sa pamamagitan ng teleconferencing, sinabi ng Pangulo na kapwa tatanggap ng house and lot mula sa Vista Land Company ang mga nag-top na sina PMA Cadet First Class Gemalyn Sugui, 25, tubong Echague, Isabela at PNPA Fire Cadet Lei Anne Banico Palermo na nagmula sa Zamboanga City.
Nabatid na pinangunahan ng Pangulo habang nasa Malacañang ang pagtatapos ng 200 kadete ng PMA “Masidlawin Class of 2020” at PNPA “Mandayug Class of 2020” sa pamamagitan ng Zoom teleconferencing.
Sa kanyang talumpati, kapwa binati ng Pangulo ang mga nagtapos at ma-ging ang kanilang mga magulang.
“I can feel the pride resulting in what you have accomplished but believe me that prouder still are your parents and loved ones. All of you owe your parents so much that is why I consider this special day as theirs as much as it is yours,” sabi ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na tayo ay nasa “troubled, dangerous, at abnormal times” at apektado ang lahat ng human activity at maging ang ekonomiya. Pinaalalahanan niya ang mga nagtapos na nagbabago na ang mundo at hindi dapat magpaiwan.
“Graduates, the world is changing and we have to adapt to the changes lest we lag behind,” ani Duterte.
Sinabi rin ng Pangulo na sinasaluduhan niya ang mga sundalo at pulis ng gobyerno at pinatawad na rin niya ang lahat ng outstanding punishment para sa PMA at PNPA Cadet Corps.