^

Police Metro

Internet speed resolbahin muna para sa online learning atbp

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbigay ng suhestiyon si Bohol 3rd District Rep. Alexie Tutor, vice chairman ng House committee on health na upang maging maayos ang pagharap sa “new normal” ay kailangang matugunan muna ng gobyerno ang mabagal na internet speed sa mga probinsiya kaugnay ng online learning, Balik Probinsiya Program at work from home.

Dapat aniya ay nasa 4G o 30Mbps speed ang mga internet sa probinsiya na kailangan sa pagha­handa sa panibagong bukas matapos ang pagharap sa new normal dulot ng COVID-19.

Kinakailangan umanong mapabilis ang pagtatayo ng common towers na itinatadhana sa Department of Information and Communication Technology (DICT) Charter.

Pinapurihan naman ni Tutor ang  promulgasyon ng DICT sa pinakahu­ling regulasyon at pa­nuntunan nito sa implementasyon ng Common Tower Policy sa ilalim ng Republic Act (RA) 10844.

Inihayag ng lady solon na upang mapabilis ang pagtatayo ng mga imprastrakturang ito ay kailangang buwagin ang anumang “red tape” na humahadlang sa mga telecoms upang maitayo ito.

INTERNET SPEED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with