50% ang nabawas na polusyon sa hangin sa Maynila
MANILA, Philippines — Bumaba ng higit 50 porsyento ang ibinabang polusyon sa hangin sa Maynila matapos mahigit sa dalawang buwang lockdown.
Ito ang lumalabas sa datos ng Asia Blue Skies Program, isang partnership sa pagitan ng Pamahalaan ng Maynila, 3M at Clean Air Asia.
Base sa datos, may average na PM2.5 level ng polusyon sa may Freedom Triangle sa tabi ng Manila City Hall ang naitala mula Mayo 11 hanggang 18 na mas mababa umano ito ng 56% kumpara sa datos mula Enero 21 hanggang Marso 6 bago ideklara ang ECQ.
Sa Rizal Park, nakapagtala rin ng PM2.5 levels na mas mababa naman ng 21% kumpara sa naitala bago ang umpisa ng lockdown.
Lahat umano ng datos ay gagamiting basehan sa pagdebelop ng Manila City’s Clean Air Action Plan na inaasahang makukumpleto sa pagtatapos ng taong 2020.
- Latest