MANILA, Philippines — Agad na nilinaw ng Department of Health (DOH) na hinihikayat lamang at hindi obligado ang mga employers na magsagawa ng COVID-19 tests sa mga empleyado na magbabalik sa trabaho.
Sa ilalim ng Department Memorandum No. 2020-0220, kaila-ngan lang i-screen at i-monitor ang mga empleyado upang mabatid kung sino ang mga nagpapakita ng sintomas.
“We would like to clarify that we are not requiring employers to test their employees, but we do encourage employers to advise employees to undergo testing if they are showing symptoms.” ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Anya, ang tanging mandato sa mga employer ay magpatupad ng mga protocols tulad ng ‘‘disinfection’’, tamang bentilasyon ng ‘‘work place’’, paghuhugas ng kamay, at physical distancing ng mga empleyado.
Kailangan din na magtatag ng ‘referral network’ ang mga employers para sa agarang pag-refer sa mga ‘‘medical institution’’ ang mga empleyado na makikitaan ng mga sintomas ng virus.