^

Police Metro

117 Inmates binigyan ng parole

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Justice (DOJ) na nasa 117 inmates na nahatulan na ng korte ang maaari nang makalaya makaraang mabigyan ng parole ng pamahalaan.

Sinabi ni Justice Undersecretary Markk Perete na base sa ulat ng Board of Pardons and Parole, nasa 117 persons deprived of liberty (PDLs) ang nabigyan na ng parole habang nasa 424 pa ang isinasailalim sa proseso at naghihintay pa ng clearance buhat sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sa oras na mapalabas ng bilangguan, kailangan munang sumailalim sa 14-araw na ‘‘quaran­tine’’ ng mga PDLs sa inilaang pasilidad sa kanilang ‘‘penal colony o penal farm’’ bago sila payagang makauwi sa kani-kanilang pamilya at komunidad.

Ito ang naging resulta ng pagtanggal ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa maraming ‘‘docu­mentary requirements’’ para sa aplikasyon para sa parole at executive clemency lalo na ng mga matatandang bilanggo, na nasa ilalim ng isang BPP resolution.

Sa interim guidelines, kuwalipikado na sa parole o executive clemency ang mga aplikante na may edad 65-anyos pataas at nakulong na ng limang taon sa kanilang sentensya o may problema sa kalusugan

Habang hindi naman kuwalipikado ang mga inmates na sangkot sa mga henious crimes tulad ng ilegal na droga o mga ‘‘high-risk’’ base sa klasipikasyon ng Bureau of Corrections.

INMATES

PAROLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with