MANILA, Philippines — Umpisa ngayong araw ay puwede nang mag-aplay at magproseso ng kanilang clearance buhat sa National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko sa mga lugar na inilagay sa general community quarantine (GCQ).
Maaaring makakuha ng NBI Clearance sa mga lugar na nasa GCQ na ngunit kailangang sumunod sa mahigpit na pa-nuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang publiko. Kabilang dito na lahat ng aplikante ay dapat nakarehistro na at nakapagbayad sa pamamagitan ng “online tran-saction” bago magtungo sa NBI Office sa kanilang lugar sa itinakdang appointment date.
Mahigpit na ipinatutupad ang “physical distancing”, bawal ang may kasama, at palagiang nakasuot ng face mask.
Nangangahulugan ito na hindi pa rin bukas ang pagkuha ng NBI Clea-rance sa main headquarters sa Ermita, Maynila; sa Laguna, at Cebu City na inilagay sa ECQ.