^

Police Metro

P80 milyon pananim sinira ni ‘Ambo’ sa Bicol

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa P80 milyong halaga ng inisyal na pinsala sa agrikultura ang iniwan ng bagyong “Ambo” matapos ang pananalasa nito sa Kabikolan, ayon sa inilabas na datos ng Office of Civil Defense (OCD) kahapon ng umaga.

Ayon kay OCD regional director Claudio Yucot, pinakamalaking napinsala ay ang sektor ng pangingisda sa lalawigan ng Masbate na umabot sa halagang P36,942,224. Sunod na pinakamalaking danyos ay ang high value crop mula sa lalawigan ng Camarines Sur na umabot sa P33,124,161.

Ang Albay naman ay nakapagtala ng nasalantang palay na umabot sa P4,599,362.

Sa Sorsogon na unang dinaanan ng bagyo ay nakapagtala ng P2,623,644 na hala­ga ng pinsala sa niyog.

Umabot naman sa P2,551,720 ang napinsala sa livestock ng Catanduanes habang P85,450 sa pananim na mais sa Camarines Norte.

Inaasahang lalo pang tataas ang halaga ng danyos na maitatala sa Kabikolan habang pa­tuloy ang ginagawang assesment sa kabuuang sinalanta ng bagyo sa agrikultura at sa mga imprastraktura.

BAGYONG AMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with