^

Police Metro

Bagyong ‘Ambo’ humihina na

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bagyong ‘Ambo’ humihina na
Dahil sa tindi ng pagbayo ng bagyong Ambo, nagiba ang COVID isolation facilities sa mga minisipalidad ng Arteche at San Policarpio sa Eastern Samar nang mag-landfall ito sa lalawigan noong Mayo 14 at mag-iwan ng isang katao na nasawi at tatlo ang nasugatan
Provincial PIO, Eastern Samar

1 patay, 3 sugatan sa Eastern Samar

MANILA, Philippines — Humihina na ang bagyong si Ambo habang patuloy ang pagkilos nito papuntang Northern Quezon at Laguna area at nag-iwan ito ng isang patay at tatlong sugatan sa San Policarpio, Eastern Samar.

Alas-2 ng hapon kahapon, si Ambo ay namataan ng PAGASA sa bisinidad ng Kinagunan Ilaya, Quezon at patuloy ang pagkilos pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras.

Dulot nito, nakataas sa Signal No. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, Kalinga, La Union, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pampanga, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Laguna, eastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Umingan, Balungao, Sta. Maria, Tayug, Asingan, San Manuel, Binalonan, Laoac, Urdaneta, Villasis, Rosales, Sto. Tomas, Alcala, Bautista, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, Sta. Barbara, Manaoag, Mapandan, San Jacinto, San Fabian, Pozorrubio, Sison, Mangaldan, Dagupan, Calasiao, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Aguilar, San Carlos, Mangatarem), western portion  ng Isabela (Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, Aurora, Luna, Cabatuan, Naguilian, Benito Soliven, Cauayan, San Guillermo, Dinapugue, San Mateo, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, Santiago, Cordon), Cavite, Quezon kasama na ang  Pollilo Islands, Camarines Norte, western portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot), Marinduque, at Batangas

Signal number 1 naman sa Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Batanes, nalalabing bahagi ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Oriental Mindoro, Burias Island, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Isabela,  northern portion ng Albay (Tiwi, Malinao,Tabaco, Polangui, Libon, Oas, Ligao, Guinobatan, Pio Duran

Kahapon nakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Quezon, Aurora, Marinduque, Laguna, Rizal, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Ngayong Sabado, inaasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Aurora, at Nueva Ecija. Mapanganib ang maglakbay ang anumang uri ng sasakyang pandagat sa baybayin sa naturang mga lugar.

Ngayong Sabado rin, si Ambo ay nasa bisinidad ng Bangued, Abra; sa Linggo ay nasa layong 70 kilometro ng kanluran timog kanluran ng Basco, Batanes at sa Lunes ay nasa layong 450 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes habang sa Martes ay nasa layong 1,645 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes.

BAGYONG AMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with