^

Police Metro

11 katao dinakip sa pagpuslit ng alak

Ludy Bermudo, Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labing-isang katao ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagdedeliber ng mga alak sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City, Muntinlupa City at Maynila, kamakalawa.

Sa Brgy. San Antonio, Pasig City ay inaresto ang mga suspek na sina William Plaza, 41, dri­ver; at truck helpers na sina Villanueva Richard Beringuela, 24; Jessie Jun Villadolid, 27, at Reambonanza Linard, 19, pawang residente ng E . Toclong, Kawit, Cavite City sa harapan ng ADB Tower Ortigas Center, Topaz Road, alas-4:50 ng hapon na nagbababa ng 20 kahon na imported na alak at 30 kahon ng beer na nakatago sa ilalim ng mga kahon ng noodles mula sa kanilang Isuzu Elf closed van (DAO-4615) na nagkakahalaga ng P27,000.

Sa Muntinlupa City, alas-5:45 ng hapon nang maaresto sina Dai Bizhu; Wei Peng Li; at Wei Peng Wen, pawang nasa hustong gulang at residente ng PTE Garment, Rosario, Cavite nang parahin sa checkpoint ang kanilang Toyota Fortuner at nang silipin ang likod ng sasakyan ay nakita ang 32 kahon na naglalaman ng mga delatang serbesa.

Sa Sampaloc naaresto ang tatlong suspek na sina Christian Josel Petalver, 22; Joey Mark Mallari, 26; at Marion John Lauz, 29, na itangkang ipuslit ang 25 kahong bote ng alak habang sakay ng SUV.

Habang, alas-4:00 kamakalawa ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng Sta. Ana Police Station sa may kanto ng Tejeron at A. Francisco Street ang suspek na si Julius Maniago, 21, at nadiskubre sa loob ng minamanehong Toyota Corona (TBA 394) ang pitong kahon na tig-24 bote ng gin at isang kahon na may lamang 12 bote ng brandy.

ALAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with