Distribusyon ng 2nd tranche ng SAP ipaubaya sa barangay
MANILA, Philippines — Hiniling ni 1st District Marikina City Rep. Bayani Fernando na upang maiwasan ang pagkaantala nang pamamahagi sa 2nd tranche ng pagpapalabas ng Social Amelioration Program (SAP) funds ay bigyan ng kapangyarihan ang mga opisyal ng barangays na siyang tutukoy ng mga beneficiaries sa kanilang mga komunidad.
Ang panukala ni Fernando ay nakapaloob sa House Resolution No. 807 na kaniyang inihain at inaprubahan ng House Committee on Social Amelioration cluster nitong Mayo 12 para sa mga mahihirap na pamilya na naapektuhan ng krisis sa COVID-19.
Sinabi ni Fernando na ang programa ay magbibigay sa bawat household o mga pamilyang mahihirap sa Luzon ng tig P 5,000 across the board maging mahirap, mayaman o middle class man ang mga ito.
Sa proseso ay ang mga barangay ang mag-iisyu ng listahan ng mga beneficiaries sa kanilang mga barangays na sinertipikahan ng Sangguniang Barangay sa pamamaraan ng resolusyon na ipoposte para makita ng publiko.
Ang nasabing listahan ay isusumite sa DILG Secretary para marebisa bago ito ipadala sa Department of Budget and Management (DBM).
Sa ganitong paraan ay mapapabilis ang pamamahagi ng pondo ng ligtas at ng makaabot kaagad ito sa mga nangangaila-ngan.
- Latest