^

Police Metro

Mahigit 55K seaman nawalan ng trabaho isama sa SAP at Balik-Probinsya Program

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umapela si Marino Partylist Rep.Sandro Gonzalez sa pamahalaan na isama ang nasa 55,715 Pinoy seafarers na nawalan ng trabaho dahilan sa matinding epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Social Amelioration at Balik Probinsya Program ng gobyerno.

Sa natanggap na impormasyon ng Action Center ni Gonzalez ang nasabing mga seafarers ay nawalan ng trabaho sanhi ng outbreak ng COVID-19 habang ang iba naman ay hindi pa nakakuha ng ‘green light’ para sa kanilang pagtratrabaho sa ibang bansa dulot ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Naghain si Gonzales ng House Resolution No. 842 noong Mayo 7 para isulong ang malasakit sa hanay ng mga seafarers.

Base sa datos ng Maritime Industry Authority (MARINA), nasa 28,443 Filipino seafarers ang pinauwi na sa bansa simula noong Mayo 8 dulot ng krisis sa COVID- 19 habang nasa 27,272 naman ang inaasahang  magsisiuwi na sa susunod na mga araw.

Sinabi ng solon ma­laki ang naiambag ng re­mittances ng mga Pinoy seafarers sa ekonomiya  bago pa man magkaroon ng krisis sa COVID-19 kaya dapat lamang na tulungan ang mga ito ng gobyerno sa panahon ng pangangailangan.

SOCIAL AMELIORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with