^

Police Metro

Bagyong Ambo, nagbabanta sa Visayas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabanta ang kauna-unahang bagyo sa bansa na si Ambo sa Visayas.

Si Ambo ay huling namataan ng PAGASA kahapon ng alas-11:00 ng umaga sa layong  385 kilometro ng silangan ng Surigao City, Surigao del Norte taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 70 kilometro bawat oras.

Bukod sa Visayas, si Ambo ay magdudulot din ng mga pag-ulan sa Mindanao at ngayong Miyerkules ay inaasahang nasa layong 280 kilometro ng silangan ng  Borongan City, Eastern Samar at sa Huwebes ay nasa layong 145 kilometro ng silangan ng Juban, Sorsogon sa  Bicol.

Sa Biyernes, si Ambo ay inaasahang nasa la­yong 25 kilometro ng kanluran hilagang kanluran ng Alabat, Quezon at inaasahang magtatagal hanggang sa araw ng linggo na mamamataan sa Basco, Batanes.

BAGYONG AMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with