^

Police Metro

Walang taas-pasahe kapag inalis na ang ECQ

Gemma Garcia - Pang-masa
Walang taas-pasahe kapag inalis na ang ECQ
Sinabi ni Delgra, napagkasunduan nila ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na magtaas pa ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan na papayagang pumasada kapag naalis na ang ECQ at ayaw naman umanong magdagdag pa ng pasakit sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra sa pagdinig ng Senate public services committee na pinamumunuan ni Senator Grace Poe na hindi magtataas ng pamasahe sa lahat ng pampublikong sasak­yan sa sanda­ling alisin na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.

Sinabi ni Delgra, napagkasunduan nila ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na magtaas pa ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan na papayagang pumasada kapag naalis na ang ECQ at ayaw naman umanong magdagdag pa ng pasakit sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon pa kay Delgra na sakaling ilagay na sa ge­neral community qua­rantine (GCQ) ang Luzon ay papayagan ang mass public transport, subalit may restriksyon dahil sa banta pa rin ang virus kung saan kabilang sa ipapatupad ay ang physical distancing.

Kailangan pa umanong kumuha ng special permits mula sa LTFRB bago sila payagang mamasada at hindi na rin maaaring pumasada sa regular nilang ruta dahil depende pa rin ito sa LTFRB at local go­vernment unit.

Anya, ang mga unit na may malaking kapasidad para sa pagsasakay ng mga commuters ay bibigyang prayoridad para mabigyan ng special permits kaya uunahin dito ang modern buses kasunod ang mga modern jeepneys at traditional jeepneys.

ECQ

PASAHE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with