^

Police Metro

Go:Stranded na mga manggagawa sa Metro Manila, tulungan

Gemma Garcia - Pang-masa
Go:Stranded na mga manggagawa sa Metro Manila, tulungan
Sinabi ni Sen. Go, habang inihahanda ang pag-implementa ng Balik Probinsya Program ay unahin na muna ang mga stranded na probinsyano dito sa Maynila na nahiwalay sa kanilang mga pamilya dahil sa quarantine at travel restrictions na ipinapatupad.
STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Sa sandaling alisin na ang travel restrictions at maiayos ang mga ki­nakailangang protocols para maiwasan ang higit pang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay pinaalalahanan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga concerned government agencies na tulungan ang mga stranded na manggagawa sa Metro Manila upang ligtas na makauwi sa ka­nilang mga lalawigan.

Sinabi ni  Sen. Go, habang inihahanda ang pag-implementa ng Balik Probinsya Program ay unahin na muna ang mga stranded na probinsyano dito sa Maynila na nahiwalay sa kanilang mga pamilya dahil sa quarantine at travel restrictions na ipinapatupad.

Anya, marapat lamang na tulungan ang mga stranded na manggagawa, tulad ng pagbi­bigay ng pagkain at transportasyon pabalik sa kani-kanilang probinsiya.

Nakipag-ugnayan na si Sen. Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa probisyon ng transportation assistance at transitory packages para sa stranded workers.

Para naman sa mga nawalan ng trabaho, hi­nikayat ni Go ang Department of Labor and Employment (DOLE) at mga Local Government Units (LGUs) na asistehan ang mga apektadong manggagawa sa pamamagitan nang pagbibigay sa kanila ng cash for work programs at iba pang livelihood assistance na kinakailangan sa sanda-ling makauwi na sila ng kanilang tahanan.

Binigyang-diin din ni Go ang pangangailangan ng proper health protocols upang masigurong hindi makapag-uuwi ng virus sa kanilang mga probinsiya ang mga manggagawa.

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with