MANILA, Philippines — Isinulong ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo na alisin na ang sobrang “workload” ng mga guro na hindi naman kailangan o importante na kung tutuusin ay walang kinalaman sa pagtuturo ng mga ito sa kanilang mga estudyante upang masulit ang Agosto-Mayo school year sa ilalim ng “new normal”.
Ayon kay Tulfo , dapat alisin na ang mga aktibidad at pagpupulong sa school calendar na taliwas naman sa trabaho ng mga guro at dapat ding i-maximize o sapat ang panahon ng contact-time ng mga ito sa mga estudyante.
“Trabaho ng teacher ang mag-lecture, maghanda sa pamamagitan ng paggawa ng lesson plan, at i-evaluate ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng pagsusumite ng monitoring and evaluation reports.
Paigsiin ang sembreak. Alisin lahat ng mga non-academic extra-curricular events sa activities calendar. Marami iyan. Nababawasan ang contact time sa mga estudyante dahil sa maraming aktibidad na dagdag-trabaho sa mga guro,” giit ng lady solon.
Dapat, anya ibuhos ng mga guro ang atensyon ng mga ito sa Agosto hanggang Mayo sa klasrum para sa kanilang mga aktibidad at bawasan na ang mga extra curricular activities tulad ng mga commemorations at observances para ma-maximise ang oras ng panahon ng mga ito sa klasrum.