MANILA, Philippines — Naghain si Senador Sherwin Gatchalian ng Senate Resolution No. 391 na nanawagan ng imbestigasyon para matukoy ang recovery measures na kailangan ng bansa para matukoy kung ano ang dapat maging tugon ng gobyerno sa pandemic at masiguro na ang bansa ay may sustainable at resilient education system ngayong panahon ng emergency.
Paliwanag ni Gatchalian, hindi lamang nila sisikaping makabangon ang sistema ng edukasyon mula sa naging epekto ng COVID-19 kundi kailangan din nilang patatagin ang kakayahan ng mga paaralan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa panahon ng mga krisis at sakuna.
Idinagdag pa ng Senador na mahigit sa 28 milyon estudyante mula sa primary hanggang tertiary levels ang naapektuhan ng coronavirus pandemic matapos na suspendihin ng mga eskwelahan ang kanilang mga pasok.
Nilinaw naman niya ang kahalagahan ng paghahanda sa mga estudyante, mga magulang at mga guro para tanggapin ang bagong paraan ng pag-aaral bilang new normal.