MANILA, Philippines — Mahigit 1,000 pulis ang ipinakalat ng Manila Police District (MPD) para sa pagpapatupad ng 48-oras na “hard lockdown” sa Tondo District 1.
Umabot na sa 176 ang nahuling lumabag hanggang 1:44 ng hapon nitong Linggo, Mayo 3.
Ipinatupad ang hard lockdown para bigyang-daan ang rapid testing operations sa Tondo kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.
“Kapag ikaw ay na-ging matino at talagang sinusunod niyo ‘yung social distancing, and ‘yung quarantine and other protocols. We will open your barangay. Discipline must be put in the right place,” ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Habang nasa lockdown, bawal lumabas ang mga residente sa kani-kanilang bahay maliban sa mga frontliners at mga opisyal ng barangay habang bawal din magbukas ang mga negosyo sa loob ng 48-oras.
Sinabi ni MPD Director P/BGen Rolando Miranda na bagama’t magiging mahigpit sila sa pagpapatupad nito, magkakaroon pa rin sila ng maximum tole-rance sa mga mahuhu-ling lalabag sa lockdown.