MANILA, Philippines — Dapat ay masigurong sistematiko ang pagpapatupad ng Balik Probinsiya Program partikular ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ito ang kahilingan ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga ahensya ng gobyerno na dapat ay alamin ng mga ito ang pagkakahati-hati ng mga tao base sa kanilang pangangailangan para makabalik sa kanilang mga probinsya na dapat ay ma-address ng pamahalaan kung sinu-sino ang nangangailangan ng “immediate, medium at long-term” na solusyon para mapauwi sa kanilang mga probinsiya base sa kanilang kalagayan ngayon panahon ng COVID-19.
Sa isang virtual meeting na dinaluhan ni Go kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan na pinangungunahan ni Executive Secretary Salva-dor Medialdea at napagkasunduan na dapat ang programa ay merong tatlong phases.
“May pang-immediate para sa mga uuwi talaga pagkatapos ng ECQ, may medium-term para sa mga nais mag-relocate pabalik sa kanilang probinsya, at may long term para mas mabigyan ng oportunidad ang mga tao at mapalakas lalo ang ekonomiya sa iba’t ibang lugar sa bansa,” paliwanag ng senador.
Iginiit din ni Go na dapat ay paghandaan din ng pamahalaan ang mga paaralan sa iba’t ibang lugar para sa inaasahang paglipat ng mga estudyante na manggagaling sa Metro Manila at iba pang mala-laking lungsod na ipatupad ang Balik Probinsya Program kapag natapos na ang krisis sa COVID-19.