MANILA, Philippines — Isang 7-buwang sanggol na lalaki sa bayan ng Bocaue, Bulacan ang iniulat ng Provincial Health Office (PHO) na nagpositibo sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng PHO, isa ang nasabing sanggol sa dalawang nadagdag na confirmed COVID-19 cases sa Bulacan na ngayon ay umabot na sa bilang na 114.
Sa kasalukuyan, wala namang bagong kaso ng mga recovered patient ang nadagdag gayundin sa mga namatay kaya mananatiling 19 pa rin ang recovered cases habang 24 ang bilang ng mga nasawi sa Bulacan.
Ipinaliwanag ni PHO chief Dr. Joy Gomez na maaaring may pagkakaiba sa datos na inilalabas ng kanilang ahensya at sa DOH tracker. -