Tondo sunod na isasailalim sa hard lockdown
MANILA, Philippines — Dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 ay sunod na isasailalim sa hard lockdown ang Tondo, Maynila na maaaring gawin sa Mayo 3 at 4.
Sa pinakahuling datos ang Tondo 1 ay mayroong 81 kaso ng COVID-19 habang ang Tondo 2 ay mayroong 51 kaso.
Naging masusi uma-no ang kanilang pag-aaral dahil sa maaapektuhan na komersyo tulad ng pagsasara ng Divisoria na siyang nagsu-suplay ng mga paninda sa 17 palengke sa Maynila at iba pang karatig na lungsod habang naririto rin ang mga Pier ng Maynila.
Kapag ipinatupad ito, tiniyak naman ni Mayor Isko Moreno ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga residente sa loob ng dalawang araw. Patapos na umano ang pagbibigay nila ng food packs at uumpisahan na rin ang pamimigay ng cash incentives.
Unang isinailalim sa hard lockdown ang Sampaloc District dahil sa rami ng tinamaan ng virus sa distrito.
- Latest