^

Police Metro

Walang natatanggap na ayuda, magreklamo Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Walang natatanggap na ayuda, magreklamo Duterte
Ito ang ginawang pang­hihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayan na wala pang nakukuhang ayuda para iparating ang reklamo sa mga istasyon ng radyo, mga barangay captains at mga mayors.

MANILA, Philippines — “Iparating sa gobyerno kung wala pa kayong natatanggap na tulong.”

Ito ang ginawang pang­hihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayan na wala pang nakukuhang ayuda para iparating ang reklamo sa mga istasyon ng radyo, mga barangay captains at mga mayors.

 “So iyon ang gusto kong masabi sa inyo. And iyong hindi pa nakatanggap, let us know by a radio or what. Magreklamo kayo ng mga radio stations ninyo riyan or doon sa mayors ninyo, barangay captain then the mayors. Iyan ang ating---configuration ng gobyerno natin,” anang Pangulo.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna na rin ng lumalabas na reklamo sa social media ng mga mamamayang walang nakukuhang tulong sa gobyerno partikular sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ng Pangulo na dapat lamang maiparating sa kinauukulang opisyal ng gobyerno ang reklamo hanggang sa makara­ting  sa Malacañang na dapat ay walang maiiwan at mabibigyan ang lahat. 

AYUDA

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with