^

Police Metro

Epidemic Management Commission likhain na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni AKO Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., sa pa­mahalaan na panahon upang likhain ang Epidemic Management  Commission (EMC) upang maging handa sa mga posible pang epidemya sa hinaharap na  panahon.

Sinabi ni Garbin na sa kasalukuyan ay kailangan rin ng exit strategy para maging permanenteng istraktura sa paglaban sa epidemya dahilan ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay isang Ad Hoc Body na masyadong aba­la sa pagtugon sa araw-araw na problema.

Sinabi ni Garbin na ang EMC ay maaaring likhain sa pamamagitan ng Executive Order na  kahalintulad ng Presidential Commissions  kung saan ay maaari rin naman itong maisulong sa Kongreso sa pamamagitan ng panukalang batas para sa formal charter.

Ang pondo para sa lilikhaing EMC ay magmumula sa Office of the President at sasailalim ang nasabing tanggapan sa Department of Disaster Resilience (DDR) kapag naging operational na.

Dapat rin aniyang magkaroon ng molecular laboratories para makapag-deploy kaagad ng mga units  sa pamamagitan ng mga small fleet ng mga hospital ships  na pamamahalaan ng mga highly-trained health professionals.

 

ALFREDO GARBIN JR.

EMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with