18 bilanggo sa Correctional, 1 staff positibo sa COVID-19

Sa ulat ni Corrections Superintendent Virginia Mangawit kay BuCor chief Gerald Bantag, nagsasagawa na sila nga­yon ng contact tracing at testing sa CIW upang matukoy kung sino ang nakapagdala ng sakit sa loob ng kulungan.
STAR/Ernie Peñaredondo, file

MANILA, Philippines — Labingwalong bilanggo sa Correctional Institution for Women (CIW) at isang Bucor staff sa Mandaluyong City ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa ulat ni Corrections Superintendent Virginia Mangawit kay BuCor chief Gerald Bantag, nagsasagawa na sila nga­yon ng contact tracing at testing sa CIW upang matukoy kung sino ang nakapagdala ng sakit sa loob ng kulungan.

Kabilang sa mga isi­nailalim sa COVID-19 testing sa tulong ng Phi­lippine Red Cross ang 42 preso at 9 na Bucor medical staff.

Sinasabing pawang mild symptoms lamang ang mga nakitaan na positibo sa virus habang ang iba ay asymptomatic.

Sa ngayon, inilagay na sa isolation room at kasalukuyang minomo­nitor ang kalagayan ng mga nabanggit na preso na binibigyan din ng mga vitamins, gamot at food supplement upang mapalakas ang kanilang immune system.

Show comments