MANILA, Philippines — Muling pinaalalahanan ni Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesperson Karlo Alexei Nograles ang mga local government units (LGUs) na sundin ang kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na tanggalin na ang limitadong “window hours” sa mga palengke, groceries at pharmacies.
Anya, mismong ang DILG ang nagsabi na ang pagpapatupad ng limitadong oras ay nagiging sanhi upang magsiksikan ang mga tao sa mga nabanggit na establisimiyento at hindi na nasusunod ang social distancing.
“So, bale, ina-advise na po ang mga LGU na huwag na po mag-impose ng maiiksing window times para makapunta po sa mga grocery o botika. Sinasabi po ng DILG na mas mainam na i-schedule o i-cluster ang mga barangay para hindi sabay-sabay lumabas ang ating mga kababayan,” dagdag ni Nograles.
Kung mas mahaba rin aniya ang oras, puwedeng magkaroon ng “rotational” ng mga lugar na puwedeng lumabas upang mas konti lamang ang tao.
Related video: