MANILA, Philippines — Ilalaan ang 20-30 porsyento ng kanilang daily testing capacity ang lahat ng sub-national labora-tories para sa mga health workers.
Ito ang sinabi ni Ca-binet Secretary at IATF Spokesperson Karlo Alexei Nograles sa virtual presser ng “Revised Interim Guidelines on Expanded Testing for COVID-19”.
Ayon kay Nograles, ang mas malaking bahagi na 70 hanggang 80 porsyento ay ilalaan naman sa pagte-test ng mga pasyente.
“Dahil may global shortage ng testing kit, kinakailangan nating i-prioritize ang paggamit ng test. Ngunit, dahil may expansion ng testing capacity at may pangangailangan na igarantiya ang kaligtasan ng healthcare workers, ang Sub-group C ay iti-test at ang healthcare wor-kers ay ipa-prioritize,” ani Nograles.
Nilinaw na hindi inire-rekomenda ang “indiscriminate testing” ng mga hindi naman nagkaroon ng contact sa isang kumpirmadong may COVID-19.
Sa expanded testing, iti-test ang lahat ng indibiduwal na delikado na magkaroon ng impeksiyon kabilang ang mga suspect cases; mga taong galing biyahe o nakasa-lamuhang may COVID-19 at mga health workers na may posibleng exposure.