^

Police Metro

Health workers at pasyente maghahatian sa testing

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilalaan ang 20-30 por­syento ng kanilang daily testing capacity ang lahat ng sub-national labora-tories para sa mga health workers.

Ito ang sinabi ni Ca-binet Secretary at IATF Spokesperson Karlo Alexei Nograles sa virtual presser ng “Revised Interim Guidelines on Expanded Testing for COVID-19”.

Ayon kay Nograles,  ang mas malaking baha­gi na 70 hanggang 80 por­syen­to ay ilalaan naman sa pagte-test ng mga pasyente.

“Dahil may global shortage ng testing kit, ki­nakailangan nating i-prioritize ang paggamit ng test. Ngunit, dahil may expansion ng testing capacity at may pangangailangan na igarantiya ang kaligtasan ng healthcare workers, ang Sub-group C ay iti-test at ang healthcare wor-kers ay ipa-prioritize,” ani Nograles.

Nilinaw na hindi inire-rekomenda ang “indiscriminate testing” ng mga hindi naman nagkaroon ng contact sa isang kumpirmadong may COVID-19.

Sa expanded testing, iti-test ang lahat ng indibiduwal na delikado na magkaroon ng impeksiyon kabilang ang mga suspect cases; mga taong galing biyahe o nakasa-lamuhang may COVID-19 at mga health workers na may posibleng exposure.

HEALTH WORKERS

TESTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with