^

Police Metro

Pagtaas sa presyo ng bigas nakaamba

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Pagtaas sa presyo ng bigas nakaamba
“Nabigla ako sa nadiskubre ko. Nang magsimula ako mamigay ng relief kaugnay ng enhanced community quarantine (ECQ), P1,250 lang ang isang sako ng bigas sa NFA (National Food Authority). Nang masagad ang imbentaryo ng NFA sa amin, bumili ako sa commercial rice outlets. Patuloy na umaakyat ang presyo nito at kamakailan ay umabot na sa P1,850. Akala ko may price freeze. Ano nang nangyari,” tanong niya.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Posible umanong magkaroon ng krisis sa presyo ng bigas sa susunod na linggo dahil sa tagtuyot na nararanasan din sa mga bansa ng Thailand at Vietnam kung saan nag-iimport ang Pilipinas.

Ito ang naging babala ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means at co-chairman ng House Stimulus Cluster, na lalong magpapahirap sa bansa sa pagtugon nito sa nagaganap na COVID-19 pandemic dahil sa mga export ban na ginagawa ng ilang mga bansa sa mundo na dapat asahan ng Departments of Agriculture (DA) at Trade and Industry (DTI) upang magawa nila ang mga akmang hakbang laban dito.

“Nabigla ako sa nadiskubre ko. Nang magsimula ako mamigay ng relief kaugnay ng enhanced community quarantine (ECQ), P1,250 lang ang isang sako ng bigas sa NFA (National Food Authority). Nang masagad ang imbentaryo ng NFA sa amin, bumili ako sa commercial rice outlets. Patuloy na umaakyat ang presyo nito at kamakailan ay umabot na sa P1,850. Akala ko may price freeze. Ano nang nangyari,” tanong niya.

Pinaalalahanan din ni Salceda ang DA at DTI na ang pagsasamantala ng rice cartels sa kasalukuyang ‘emergency’ ay tiyak na hahadlang sa mga pagsisikap ng gobyerno na maibsan ang kahirapang dulot ng ECQ.

Idinagdag ni Salceda na ang pagtiyak sa suplay ng bigas at iba pang mga pangunahing bilihin ay mahalagang sangkap sa matagumpay na ECQ at iba pang “non-pharmaceutical interventions (NPI) kaya’t mananatili na lamang sa bahay ang mga tao at hindi na susuway sa “quarantine rules”.

BIGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with