18 nalason sa lambanog: 6 patay
MANILA, Philippines — Labing-walong katao ang nalason sa ininom nilang lambanog at anim sa kanila ang namatay sa ospital na naganap sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa.
Ito ang post ni Dasmariñas City Rep. Pidi Barzaga sa kanyang Facebook page kaugnay sa pagkalason ng mga biktima na pawang mga matitigas ang ulo sa hindi pagsunod sa mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban sa kanilang lungsod.
Nabatid na ang mga biktima ay mula sa limang barangay: Brgy. San Antonio de Padua 1 na pito ang biktima; Brgy. San Nicolas 2, lima; Brgy. Victoria Reyes, apat; Brgy. Emmanuel Bergado, isa at sa Brgy. San Nicolas ay isa.
Isinugod ang mga biktima sa magkakahiwalay na ospital sa lungsod na kung saan tatlo sa kanila ang namatay mula sa Brgy. Victoria Reyes; dalawa sa Brgy. San Antonio de Padua at isa sa Brgy. Emmanuel Bergado 1 na hindi muna pinangalanan.
Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya at isinailalim na rin sa pagsusuri ang ininom nilang lambanog na posibleng dahilan ng kanilang pagkalason.
- Latest