^

Police Metro

Makati government sasagutin ang cremation ng namatay sa COVID-19

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sasagutin ng Makati local government ang gastusin sa cremation ng mga yumaong residente dahil sa coronavirus di­sease 2019.

Ito ang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay matapos makipagkasundo sa pribadong kumpanyang NewLife Techwin Inc., na magpapagamit ng dalawang crematory machines sa lungsod sa bisa ng isang memorandum of agreement (MOA).

Tiniyak din ng alkalde na ligtas ang cremation process na gagawin, at pasado ito sa mga pamantayan at protocols na itinakda ng Department of Health (DOH).

Sa pinakahuling na­itala noong Abril 14, 2020, nasa 199 confirmed cases; 510 ang probable cases; 407 ang suspect cases; 21 ang deaths at 30 ang recoveries sa lungsod.

COVID-19

CREMATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with