MANILA, Philippines — Magbibigay ang Seaoil Philippines ng P405,000 halaga ng fuel para sa mga bus units na nagkakaloob ng libreng sakay sa mga health workers sa bansa.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nangako ang Seaoil na ipagkakaloob ang P405,000 ha-laga ng fuel nang libre hanggang sa Abril 30, para sa mga bus units na maghahatid ng mga medical frontliners, simula Abril 13, Lunes.
Nasa 15 bus units na kalahok sa programa aniyia ang maaaring mag-avail ng hanggang 50 litrong libreng fuel araw-araw, o P22,500 kada araw o kabuuang 13,500 litro.
“We are very grateful to Seaoil Philippines for providing fuel subsidies to the bus units of our free ride program. Malaking tulong po ito, hindi lang para sa amin, o sa mga bus, kundi makasisiguro rin tayo na maitataguyod natin ang serbisyo publiko para sa medical frontliners sa gitna ng COVID-19 pandemic,” ayon kay Tugade.
Sakop umano ng libreng sakay para sa health workers ang medical communities sa National Capital Region (NCR) at Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, at 12, gayundin ang Cordillera Administrative Region (CAR) at CARAGA.