MANILA, Philippines — Pinalitan at hindi na gagamitin ang mga klasi-pikasyon na PUM (person under monitoring) at PUI (person under investigation) sa pagtukoy ng mga hinihinalang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay ito sa ipinalabas na Administrative Order No. 2020-0013 na may petsang Abril 9, 2020, na nag-aamyenda sa AO No. 2020-0012 sa guidelines para sa inclusion ng COVID-19 sa talaan ng notifiable disease for mandatory reporting.
Ito’y ang pagpapalit ng PUI at PUM sa bagong classifications na “suspect”, “probable” at “confirmed COVID-19” cases.
Ang “suspect case” ay isang tao na nagpapakita ng kondisyong siya ay may severe acute respiratory infection (SARI) ngunit walang malinaw na etio-logy o sanhi ng pinagmulan at history ng travel o nakatira sa lugar na may reported na local transmission ng COVID-19 case sa loob ng 14 araw bago makitaan ng sintomas at kung may contact sa isang confirmed o probable COVID-19 case na nagnegatibo sa repeat testing.
Ang “probable case” ay ang dating suspect na matapos ang COVID-19 testing ay lumabas na inconclusive, dating suspect na nagpositibo sa COVID-19 subalit nang isagawa ang test sa hindi naman itinuturing na national o subnational reference laboratory o officially accredited laboratory ng COVID-19 confirmatory testing.
Ang “confirmed case” ay ang isang indibiduwal na mayroon o walang ipinakikitang sign at symptoms subalit sa laboratory tests ay kumpirmado sa resultang inilabas ng national, subnational laboratory at DOH-certified laboratory testing facility.
Layunin ng mga bagong klasipikasyon na maging standard sa case detection, laboratory at notification sa ginaga-wang surveillance systems.