Pensioners ‘di kasama sa mabibigyan ng cash assistance
MANILA, Philippines — Hindi kasama sa cash assistance na ibinibigay ng pamahalaan ang mga pensioner na apektado ng COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, tanging ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino lamang ang aayudahan ng pamahalaan at makikinabang sa social amelioration program.
Malinaw naman aniya na hindi maikokonsidera na low income ang mga pensioner.
Tinatayang nasa 18 milyon na pamilyang Pilipino ang makakukuha ng cash assistance sa loob ng dalawang buwan.
“Pensioners are not included in the low-income families. So, the first criteria is low-income families and among the low-income families, priority is senior citizens,” pahayag ni Nograles.
Nasa P5,000 hanggang P8,000 ang matatanggap na cash assistance ng mga kuwalipikadong pamilya na apektado ng COVID-19.
- Latest